TALUMPATI
Ang sulating akademiko ay mahalagang kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman. Ito’y batay sa masusing pananaliksik at organisadong paglalahad ng mga ideya, na naglalayong magbigay-linaw sa mga komplikadong isyu. Ang opinyon ay sinusuportahan ng datos at ebidensya, na nagiging sandigan ng makabuluhang diskurso sa paaralan man o sa lipunan.
Bilang manunulat ng akademikong sulatin, responsibilidad nating gamitin ito nang may integridad. Sa simpleng paraan, ang sulating akademiko ay hindi lamang para sa grado kundi para sa pagpapayaman ng kolektibong karunungan ng lahat.
Comments
Post a Comment