KATITIKAN NG PULONG
KATITIKAN NG BUWANANG PULONG NG YOUTH AND ENVIRONMENT SOCIETY NG BAYAN NG MANDAUE CITY OF CEBU NA GINANAP SA SAINT LOUIS COLLEGE-CEBU, BRGY MAGUIKAY, NOONG IKA 24 NG ABRIL, 2025
Dumalo
Bb. Lei Salvador Pangulo
G. Clark Kiefer Pang. Pangulo
Bb. Precious Dela Cruz Kalihim
Bb. Dani Suaa Katulong ng Kalihim
Bb. Lucy Vanheck Ingat-Yaman
G. Pablo Masik Tagasuri
G. Sanii Siksik Tagapagbalita
G. Josh Catubig Tagapamayapa
Ang pagpupulong ay itinayo ni Bb. Lei salvador, ang Pangulo, sa ganap na 06:00 ng hapon. Pinasimulan ito sa pamamagitan ng pambungad na panalangin na ipinagkaloob ni G.
Pablo Masik, ang Tagasuri. Kasunod ng panalangin ay ang pambungad na pananalita ng pangulo.
At nagpatuloy ang pagpupulong sa pagtatanong ni Bb. Lei Salvador sa mga kasapi ukol sa posibleng proyekto na mazaring isagawa sa paaralan. Nagkaroon ng botohan sa pagitan ng dalawang proyekto; (1) Fire Extinguisher para sa mga silid aralan, (2) Basket para sa paaralan at sa kalikasan. Nanguna bilang may pinakamaraming boto ang proyektong "Basket para sa paaralan at sa kalikasan* iminungkahi ni G. Josh Catubig. Ayon sa kanya, mahalagang matuto ang bawat mag-aaral na magtapon ng basura sa tamang tapunan at magkaroon ng pagbubukod ng mga basura.
Ang sumunod na pinag-usapan ay ang lugar na paggaganapan ng proyektong napili.
Muling nagkaroon ng botohan sa pagitan ng Saint Louis College-Cebu at Saint Louis College-Cebu. Naitala na may pinakamaraming boto ang Saint Louis College-Cebu na paggaganapan ng iminungkahing proyekto ang dahilan nito ay upang mas maging disiplinado pa ang mga mag-aaral ng Senior High at maging magandang halimbawa sa iba pang mga estudyante at bukod pa rito ay mas maliit lamang ang badge tang magagasta kung dito gaganapin ang proyekto.
Comments
Post a Comment