REPLEKTIBONG SANAYSAY
Ang pinakamahalagang nangyari sa buhay ko ay noong ipinagdiwang ko ang aking kaarawan noong 2024. Isa ito sa mga hindi ko malilimutang panahon dahil nagawa naming ipagdiwang ang aking kaarawan at makumpleto kasama ang aking pamilya. Labis akongnagagalak dahil noong ipinagdiwang ko ang aking kaarawan noong 2023, hindi ito naging masaya dahil nag-away sila,imbes na magdiwang, ako ay umiyak dahil hindi sila okay. At ngayon, noong ako ay nag-18, pumunta ako sa isang restaurant kasama ang aking mga kaibigan mula sa UC. At pagkatapos noon, ipinagdiwang namin ito muli kasama ang aking mga kaibigan sa SLCC. Ito ay dalawang araw na kaganapan. Nagkaroon ako ng isang magandang panahon, at hindi ko malilimutan ang mga araw na iyon.
Ang isa rin na pinaka magandang nanyari sa buhay ko ay noong nanalo kami nang jumpstreet. Sobrang nagagalak talaga kami non kasi ang gagaling rin ng ibang seksyon, kahit wala kaming sapat na oras para mag ensayo talaga nagawa naming manalo kahit sobrang hirap ng pinagdaanan namin. Sobrang proud rin ako sa sarili ko dahil isa rin ako sa humawak ng seksyon namin at sa pagtitiwala nila sakin na makakakya at mananalo namin.
Comments
Post a Comment